Tuesday, June 19, 2012

“Sabi mo Bob Ong..”, pero sabi ko, (at sabi ng alter-ego ko)

"Sabi mo Bob Ong”,
-pero sabi ko...
(at sabi ng alter ego ko)

part 1

1. “ Sana nababasa ng taong "pinapatamaan" mo ung STATUS MESSAGE mo.”
-At sana alam nyang sya ang pinapatamaan mo.
(Kase kung babasahin nya lang STATUS MESSAGE mo at parang wala lang at di nya na-gets, bale wala rin. Wag ka na lang mag-STATUS MESSAGE. Sayang lang sa effort!)

2. “Kapag tinamaan ka sa status nya, magcocomment ka kaya? or wag na lang para kunware wala ka na lang nabasa.”
-Matatamaan ka nga pero hindi naman ikaw yung pinapatamaan.
(Teka nga, kung hindi ikawang pinapatamaan, bakit ka tinatamaan? Ang lakas ng tama sayo nyan ha! Ano? Tamaan na natin?)

3. “Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din”
-Eh paano kung parehas na kayong lumalandi sa isat isa tapos wala pa ring nangyayari?
(Aba, eh lumandi ka na sa iba dahil kahit sagad na ang kalandian nyo sa isa’t isa, wala talagang mangyayari sa inyo! Kase landian kayo nang landian!)

4. “Minsan mas mabuting hindi malinaw ang tunay na namamagitan sa inyong dalawa. Baka kasi pag nilinaw mo pa, lumabas lang na malabo talaga.”
-At mas masakit kung lumabas na wala pala talagang namamagitan sa inyo. Nahihibang ka lang.
(Tumpak! Wag mo na ngang linawin. Baka mas maganda nang malabo.)

5. “Minsan sa kakahintay mo sa isang tao, unti unti ding nawawala ang feelings mo, at kapag akala mong tuluyan ng nawala ang "feelings" na yan, saka siya magpaparamdam sa yo..
-At kapag naramdaman mo na sya, babalik na naman ang feelings mo. Pero kalaunan, iiwan ka rin nya. At ikaw, hihintayin mo ulet sya.
(Teh, paikot-ikot lang? Alam mo ikaw, di ko alam kung nagpapauto ka lang o talagang uto-uto ka. )

6. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba."
-Ngunit paano kung ayaw mo syang bitawan kahit hawak na ng iba?
(Hawak nga ng iba di ba? So wala kang bibitawan kase wala ka namang hawak. Gets?)

7. “Wag mo kasi isikreto ung talagang gusto mong sabihin sa isang tao. Malay mo, may sikreto din pala sya sau, nagtataguan lang kau ng sikreto. ayaw mauna.”
-Ayaw maunang makatuklas o ayaw maunang masaktan? Hindi naman lahat ng sikreto nya eh aayon sa gusto mo di ba?At hindi lahat ng sikreto mo ay tutugunan ng sikreto nya
(Alam mo, wala naman syang sikreto e. Ikaw lang! at yung sayo, hindi na sikreto. kase lahat na ng tao, alam! Kaya tigilan mo na yang kasentihan mo.)

8. “Huwag mong hayaan na maging "reserba" ka lagi”
-Bakit? May magagawa ba ko kung ayaw nya kong gawing priority? Kaya nga reserba di ba? Hindi ako ang priority!
(Oo na! Oo na! Hindi na nga eh! Wag mo nang ipamukha!)

9. “Mahirap maghintay pero mas mahirap ang MAGSISI”
-Pero mas mahirap maghintay sa isang taong alam mong hindi mo pagsisisihan.
(Ayun! Nadale mo! Sagad na sa buto ang kakornihan mo!)
-Oo na, korni na kung korni! Ano bang magagawa mo kung ganito ako?!
(Yun na nga eh. Wala akong magawa dahil ikaw ako. Ako ikaw!)
“Ewan ko sa inyong dalawa!”

No comments:

Post a Comment